Header Ads

BREAKING NEWS! Call Center Agent na Breadwinner sa Pamilya, Patay sa Holdap. MUST WATCH THIS!


Isang tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ng isang babaeng call center agent matapos siyang barilin ng salarin na tumangay sa kaniyang bag sa Guadalupe bridge sa Mandaluyong City.

Batay sa imbestigasyon, sinabi sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Biyernes, na naglalakad sa Guadalupe bridge ang biktimang si Eleanor Gonzales, 24-anyos, nang mangyari ang krimen noong Linggo.
Posibleng nanlaban umano si Gonzales kaya ito binaril ng salarin na patuloy pang pinaghahanap.
Nadala pa sa ospital ang biktima at doon na siya binawian ng buhay.
Sa hiwalay na ulat ng GMA News "24 Oras," sinabing naiuwi na sa Zamboanga City nitong Biyernes ng umaga ang mga labi ni Gonzales sa tulong ng DSWD- Mandaluyong at lokal na pamahalaan ng Zamboanga.
Si Gonzales umano ang breadwinner sa kaniyang pamilya.
Sa imbestigasyon, lumitaw na papasok sa trabaho ang biktima dakong 4:00 a.m. nang mangyari ang trahediya.
May nakita umanong strap o hawakan ng bag sa pinangyarihan ng krimen kaya hinihinala ng mga awtoridad na hindi kaagad ibinigay ng biktima ang bag sa salarin kaya siya binaril.
Bumuo na umano ang Mandaluyong police ng grupong tutukan sa kaso ni Gonzales para mahuli ang salarin.
Samantala, maglalagay na ng mga tao sa nabanggit na tulay para hindi na maulit ang nangyaring krimen.

SOURCE : GMA NEWS

No comments

Powered by Blogger.