Umalma ang pamilya at mga kaibigan ni Aldrin M. Tangonan matapos nilang makita ang larawan nito na ginagamit sa isang Anti-Duterte Rally sa The Hague, Netherlands



Umalma ang pamilya at mga kaibigan ni Aldrin M. Tangonan matapos nilang makita ang larawan nito na ginagamit sa isang Anti-Duterte Rally sa The Hague, Netherlands...Basahin ang buong detalye sa ibaba..
Mariing kinondena ng kanyang kapatid at mga malalapit na kaibigan ang paggamit ng larawan ni Aldrin sa isyung may kinalaman sa war on drugs, na anila’y walang kaugnayan sa tunay na dahilan ng kanyang pagkamatay.
Ayon sa pahayag ng kapatid ni Aldrin, hindi siya biktima ng war on drugs, kundi pinaslang noong 2020 dahil lamang sa selos. Aniya, isang lalaki ang namaril sa kanyang kapatid matapos pagselosan dahil sa pagiging malapit nito sa isang kaklase.
“Murag Big Deal na gyud kaayo ni! Murag dili nani maayo. Pilay gibayad ninyo? Grabe na gyud ni!” galit na pahayag ng kanyang kapatid.

Dagdag pa niya, matagal nang nakuha ng kanilang pamilya ang hustisya para kay Aldrin. Kaya’t lubha nilang ikinadismaya ang maling paglalahad ng kwento at ang paggamit sa kanyang larawan sa isang rally na may maling impormasyon.
“Tama na ang pagpamakak! Klaro kaayo nga daghan sa mga nag rally diha, puro scripted lang ilang storya! Unya puros foreigner pa gyud naa sa rally!” aniya.
Nanawagan ang pamilya ni Aldrin na itigil ang paggamit sa pangalan at larawan ng kanilang mahal sa maling naratibo. Hiling nila ang responsableng pagbabahagi ng impormasyon upang hindi na madagdagan ang kanilang hinagpis.
"Be responsible when sharing information. Stop spreading lies that only add to our pain," dagdag ng isang kaibigan ni Aldrin.










Source : 89.7 Dear FM

No comments

Powered by Blogger.
//