Header Ads

MISENCOUNTER ATTACK! PNP AT AFP NAGKABULAGAAN! Dahilan ng misencounter, walang maayos na radio communication mula sa panig ng PNP sa AFP...


Dahilan ng misencounter, walang maaayos na radio communication mula sa panig ng PNP sa AFP

Inamin ng hanay ng 8th Infantry Division na lumang communication equipment o radio ang dahilan kung bakit nagkaroon ng misencounter sa pagitan ng PNP at ng mga sundalo.



Ayon kay 8th ID Commander M/Gen. Raul Farnacio, limang araw nang nag-o-operate ang mga tropa ng Charlie Company, 87th Infantry Battalion ng Philippine Army, sa mataas na bahagi ng Sitio Lunoy, Barangay San Roque, Sta. Rita, Samar.


Tinutugis ng mga tropa ng militar ang tinatayang 20 miyembro ng New People’s Army (NPA) sa lugar at sumunod din sa pagtugis ang mga pulis ng 1st Platoon, 805th Mobile Company, at Regional Mobile Force Battalion-8.

Sinabi ni Farnacio, ang lumang radyo na dala ng mga pulis ay hindi ka-match ng Harris communications equipment na dala ng mga sundalo, kaya hindi nakapag-coordinate ng maayos ang dalawang puwersa.





Nagkabulagaan nalang aniya ang dalawang grupo, kung saan napagkamalan ng mga sundalo na NPA ang grupo ng mga pulis. Sa naturang engkuwentro, anim na pulis ang nasawi at siyam ang sugatan, habang walang casualties sa panig ng militar.



SOURCE : BOYSEN CESTINA

No comments

Powered by Blogger.