Header Ads

OPLAN TAMBAY! Sen. Bam Aquino, nais paimbestigahan sa Senado ang pagkamatay ni Genesis"TISOY" Argoncillo sa kulungan...


Oplan tambay’ ito ang nais ipasiyasat ng senador na si Bam Aquino sa Senado kung paano at ano ang ginawa ng mga kapulisan matapos ang dineklarang operasyon para sa mga tambay sa lansangan.


Nais ni Sen Bam Aquino na pa-imbestigahan kaagad ang nangyareng pagkamatay ng lalakeng si Argoncillo ngayong darating na JULY 2018 Sa ngayon kasi mahigit 8,000 na ang mga nahuli dahil sa mga paglabag sa mga lokal na ordinansa.

Kabilang sa kadalasang rason ng pagkakadampot sa mga ito ang paglalakad sa kalsada nang walang damit, pag-iinuman at pag-iingay tuwing dis-oras na ng gabi.

Pero ang nahuling walang damit na si Genesis “Tisoy” Argoncillo ay malagim ang sinapit, nang mapatay ito sa umano’y pambubugbog ng mga kapwa bilanggo sa presinto ng pulisya.


Base sa Senate Resolution No. 772 ni Sen. Bam Aquino, nais nitong siyasatin ang naging paghawak ng Quezon City Police sa kaso ni Argoncillo at kung bakit ito napabayaang mamatay sa loob ng kulungan.

Para naman kay Sen. Sherwin Gatchalian, dapat gawing “anti-pasaway” ang kampanya ng gobyerno at hindi “anti-tambay.” Giit ni Gatchalian, hindi lahat nang nakatambay ay may ginagawang kasalanan.

Sa panig ni Sen. Sonny Angara, dapat paigtingin ang pagbibigay ng libreng skills traning para makahanap ng trabaho ang mga tambay at ang mga nagbalik-bansang manggagawa.

Source : Boysen Cestina

No comments

Powered by Blogger.