Header Ads

Sen. Sherwin Gatchalian - Pangulong Duterte ay kailangan ng Espiritwal na payo para maliwanagan ito sa usaping Espiritwal...


Iminungkahi ni Senador Sherwin Gatchalian na magkaroon ng pakikiusap ang Pangulo sa isang Relihiyosong tao upang mas maliwanagan ito ukol sa usapin pang Espiritwal.

Ibig din ni Gatchalian na kausapin din si Pangulong Duterte ng mga miyembro ng cabinete , mga kaibigan at communications team.


Dagdag pa nito na mas mauunawaan ng Simbahang Katoliko at ng mga relihiyoso, kung bakit galit na galit ang Pangulo at labis ang pagmumura nito sa  Panginoong Diyos.

Isa na rin itong pagkakataon para kay Gatchalian na ipaliwanag sa Pangulo na maraming nasaktan matapos niyang sabihin ang katagang "STUPID GOD".

Isa din si Gatchalian sa taga-Suporta ng Pangulo at sa Programa nito Ngunit bilang isang Kristyano at may isang ina'ng pastor ay nasaktan din umano ito sa nasabi ng Pangulo ukol sa Dios.

Ayon pa Gatchalian ay bukas naman  marahil ang Pangulo sa ganitong usapin at hihingi din ito ng paumanhin sa susunod na araw.


Pinaalalahanan naman ni Senador Joel Villanueva ang pangulo ukol sa nakasaad sa Biblia na maaring patawan ng parusa ang lalapastangan sa pangalan ng Diyos.

“All my life I was taught to never put God’s name in vain as Exodus 20:7 says, “You shall not take the name of the Lord your God in vain, for the Lord will not hold him guiltless who takes His name in vain.” Pahayag ni Villanueva.

Tulad ni Senador Panfilo Lacson, sinabi ni Villanueva na suportado niya ang pangulo sa mga programa nito pero sinabi ring mas susundin niya ang Diyos kaysa ang tao.

Naniniwala naman si Villanueva na hindi intensiyon ng pangulo na manakit ng dadamin ng mga nananampalataya sa Diyos at maaring nagkaroon ito ng masamang karanasan ukol sa mga doktrina ng simbahan.

Source : TheTrendNews

No comments

Powered by Blogger.